I Am A Child of God.

John 1-1:18

Nagkatawang Tao ang Salita


1 Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasa Diyos at ang Salita ay Diyos.


2 Siya ay sumasa Diyos nang pasimula pa.


3 Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan niya. Kung wala siya ay walanganumang nilikhang bagay na nalikha.


4 Ang buhay ay nasa kaniya at ang buhay ay ang ilaw ng mga tao.


5 Ang ilaw ay nagliwanag sa kadiliman at hindi ito naunawaan ng kadiliman.


6 May isang lalaking isinugong mula sa Diyos. Ang kaniyang pangalan ay Juan.


7 Siya ay naparitong isang saksi na magpatotoo patungkol sa ilaw upang ang lahat ay sumam­palataya sa pamamagitan niya.


8 Hindi siya ang ilaw ngunit siya ay sinugo upang magpatotoo patungkol sa ilaw.


9 Ang tunay na ilaw ay iyong tumatanglaw sa bawat taong pumarito sa sanlibutan.


10 Siya ay nasa sanlibutan. Ang sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan niya at hindi siya nakilala ng sangkatauhan.


11 Siya ay pumunta sa kaniyang sariling mga tao ngunit hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga tao.


12 Datapuwat ang lahat ng tumanggap sa kaniya ay binigyan niya ng kapamahalaan maging mga anak ng Diyos. Sila ay ang mga sumampalataya sa kaniyang pangalan.


13 Ipinanganak sila hindi sa dugo, ni sa kalooban ng laman, ni sa kalooban ng tao. Sila ay ipinanganak mula sa Diyos.


14 Nagkatawang-tao ang Salita at nanahang kasama natin. Namasdan namin ang kaniyang kaluwalhatian, ang kaluwal­hatian ng bugtong na Anak ng Ama. Ang Salitang ito ay puspos ng biyaya at katotohanan.


15 Si Juan ay nagpapatotoo patungkol sa kaniya. Siya ay sumigaw at nagsabi: Siya ang aking sinasabi na ang paparitong kasunod ko ay mas higit sa akin sapagkat siya ay una sa akin.


16 Mula sa kaniyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat ng abut-abot na biyaya.


17 Ito ay sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo. 


18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang naghayag sa kaniya.

-----

Bigyan ng maraming oras ang pagbabasa sa Bibliya.


Thanks: I Am a Child of God - YouTube


The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints.

No comments:

Post a Comment

Pages